Abante Tonite Interactive

Reckless sa sex

0 367

Sa isang survey, marami sa mga Pinoy na aktibo sa sex o pakikipagtalik ay hindi raw gumagamit ng ‘supot’ o condom. Kabilang ka ba sa mga naniniwalang “walang kuwentang kainin ang kending o saging na may balat” ika nga.

Pero bago natin pag-usapan ang sex at condom, naibulong ng isa nating kurimaw na madalas sumakay ng MRT ang nasagap niyang mga puna tungkol sa gina­wang mungkahi ng isang senador na magkaroon ng ‘business o premium’ class sa MRT.

Kung tutuusin, wala naman daw masama sa mungkahi ng mambabatas pero wrong ti­ming daw ang hirit nito sa panahon na palpak ang sistema ng mass transport system sa bansa at sangkaterba ang nagsisiksikan sa bawat bagon ng MRT.

Balikan na natin ang mas masarap na usapang condom at sex. Sabi sa mga lumabas na ulat, lumitaw sa survey na isinagawa ngayong taon lang ng isang health maintenance organization na isa lang sa bawat 10 aktibong Pinoy sa sex ang laging gumagamit ng supot bilang proteksyon.

Sa 820 tinanong, 30 porsiyento lang ang madalas [hindi lagi] na gumagamit ng condom para hindi makabuntis at 40 porsiyento naman ang para makaiwas sa mga sexually transmitted di­seases. Hindi malinaw sa survey kung ilan sa mga Pinoy na tinanong ang gumagamit ng condom kung kapwa nila lalaki ang kanilang katalik. Dahil kung hindi rin nila hilig ang magsupot, aba’y hindi na nakapagtataka kung lalo pang tumaas ang insidente ng human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa.

Sa isang komperensiya na ginawa nga nitong nakaraang Hunyo, sinabi ng Department of Health na parami nang parami ang kabataang lalaki na nagkakaroon ng HIV. Sa mahigit daw na 65,000 na kaso ng HIV, aba’y 94 porsiyento nito ay lalaking nakipag-sex sa kapwa nila lalaki.

At sa naturang bilang, mantakin ninyong 50 porsiyento sa kanila ay nasa edad 25 hanggang 34 lang. At ang 31 porsiyento naman ay edad 15 hanggang 24. Ang itinuturong posibleng dahilan nito, ang kakulangan nila sa sex education at hindi paggamit ng condom.

Naalala tuloy natin mga tsong ang isang inihaing panukalang batas sa mababang kapulungan ng Kongreso na nais isama sa kasong rape ang mga mag-aala-‘ninja move’ sa condom. Ito iyong mga lalaki na gagamit ng condom sa simula pero aalisin din sa oras ng kasarapan nang hindi alam ng babae o ng kaniyang kapartner. Pero papaano kaya kung malaki kay ‘totoy’ ang isinuot sa kaniyang condom at hindi talaga sinasad­yang mahubad?

Marami kasi sa mga macho, at kahit maging sa ilang babae, ayaw na may supot ang kanilang katalik dahil nga hindi nila masyadong mapi-feel ang ligaya.

Kumbaga sa kendi o sa­ging, mas mainam silang tikman nang walang ‘balat’.

Pero handa ka bang sumugal na magkaroon ng sakit [tulad ng HIV] o makadisgras­ya o ma­disgrasyang mabuntis dahil lang sa kagustuhan mong “you can feel it?” Tandaan, wala pang pagsisisi na nasa una, lagi ‘yang nasa huli. La­ging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”