Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Reclamation project sa Dumaguete kinontra

0 64

Kinontra ng ilang opisyal sa Silliman University (SU) sa Dumaguete City ang plano ng pamahalaang panlungsod na reclamation project sa may baybayin ng lugar dahil anila sa mga masamang epekto nito sa kapaligiran.

Pinirmahan ni Dr. Angel Alcala, SU president Dr. Betty McCann, dating SU president Dr. Ben Malayang III at iba pang opisyal ng pamantasan ang isang position paper upang kontrahin ang nakaambang proyekto ng lokal na pamahalaan.

Nakasaad sa position paper na kanilang tinutuligsa ang pagtatayo ng isla sa harap ng Dumaguete, na may lawak na pitong kilometro at itatayo sa baybaying sakop ng mga barangay na Tinago at Calindagan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa mga opisyal ng SU, sisirain ng reclamation project ang marine ecosystem sa naturang baybayin at malaking pondo ang mauubos sa naturang proyekto na makaaapekto sa kabuhayan ng ilang mamamayan.

“The project will directly destroy, literally bury the few remaining coral reef, seagrass, and soft sediment ecosystems that support small-scale fisheries and gleaning in Dumaguete.” (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.