Abante Tonite Interactive

Reclamation project sa Manila Bay inawat ni Leni

543

Naalarma si Vice President Leni Robredo sa mga ulat kaugnay sa mga reclamation project sa ilang bahagi ng Manila Bay.

Ayon kay Robredo, may makabubuti na pag-aralan munang mabuti ang magiging pangmatagalang epekto ng isusulong na mga reclamation project sa kalikasan at maging sa buong Metro Manila.

Sinabi ni Robredo na sobrang siksikan na ang mga tao sa Metro Manila at dapat umanong matiyak muna kung makabubuti ba ang reklamasyon sa Manila Bay.

Nilinaw naman ni Robredo na kanyang sinusuportahan ang Manila Bay rehabilitation at ang pinapakitang political will ni Pangulong Rodrigo Duterte para maibalik sa dating kagandahan at kalinisan ang naturang lugar.