Abante Tonite Interactive

Record, gold kina Knott, Obiena

216

Maugong si Kristina Knott, inaabangan ng mga Pinoy fans ang kanyang pagtakbo Sabado ng gabi sa 30th SEA Games 2019.

Pagputok ng gun start ay kumaripas na si Knott, 24 at nagsimula nang magsigawan ang mga nanonood sa New Clark City Stadium.

Resulta, nasikwat ang gintong medalya sa women’s 200-m run sa 23.01 seconds, na isang bagong SEA Games record, lumagpas sa 23.07 sa heats run niya sa umaga.

Sina Le Tu Chinh ng Vietnam (23.45) at Veronica Pereira ng Singapore (23.77) ang mga nag-silver at bronze.

Nagposte rin ng new meet mark para makaginto sa men’s pole vault si 2020 Tokyo Olumpics-bound Ernest John Obiena nang maka-5.45m na bumura sa 5.35m. (Elech Dawa)