Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Record high kaso ng COVID halos 23K

0 54

Nakapagtala ng panibagong record high ng COVID-19 case ang Department of Health (DOH) na umabot ng 22,820 nitong Huwebes, Setyembre 9.

Nalampasan nito ang naitala na 22,415 bagong kaso noong Setyembre 6.

Sa DOH COVID-19 Case Bulletin No. 544 nitong Huwebes, umabot na sa 2,161,892 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng coronavirus sa bansa dahil sa naitala na mga panibagong kaso.

SM food to go Banner Ad

May 12,337 indibiduwal ang iniulat na gumaling kung kaya’t nasa 1,960,487 na ang kabuuan ng mga nakarekober sa virus.

Nakapagtala naman ng 61 namatay kung kaya’t umakyat sa 34,733 ang kabuuang nasawi.

Nasa 166,672 naman ang mga aktibong kaso.

Leave A Reply

Your email address will not be published.