Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Record high! ‘Pinas utang sumirit sa P12.79 trilyon

0 51

Umakyat ang utang ng Pilipinas sa P12.79 trilyon noong katapusan ng Hunyo, pinakamataas sa kasaysayan, at higit doble sa antas nito noong Hunyo 2016 nang nasa P5.9 trilyon lamang ito.

Ayon sa datos ng Bureau of the Treasury, P8.767 trilyon ay utang sa loob ng bansa at P4.02 trilyon ay inutang sa labas ng bansa.

Kung paghahatian ito ng bawat Pilipino, sanggol man o matanda, ang bawat isa ay may utang na P116,820.36.

Lumalaki ang utang ng bansa sapagkat kulang ang nakukuha ng pamahalaan mula sa koleksiyon ng buwis, taripa, at mga buwis at charges kung ikukumpara sa gastusin nito.

Dahil kulang ang koleksiyon, umuutang ang pamahalaan para magkaroon ng pangtustos sa lahat ng mga gastusin. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.