Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Record low! Coronavirus bumulusok sa 1,409

0 180

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng record low na 1,409 bagong kaso ng COVID-19 hanggang alas-kuwatro ng hapon, kahapon sa bansa.

Ayon sa DOH case bulletin #605, umaabot na sa 2,806,694 ang dinapuan ng COVID1-9.

Ang 1,409 mga bagong kaso ay mas mababa ng 678 kaso kumpara sa 2,087 na naitala ng DOH noong Nobyembre 8.

Sa naturang kabuuang bilang, 1.1% o 30,544 na lamang ang aktibong kaso o may potensiyal pang makahawa.

May 2,941 mga pasyente ang gumaling na sa karamdaman, kaya sa kabuuan, nasa 2,731,583 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.3% ng total cases.

Habang may 46 pasyente naman ang nadagdag sa bilang ng namatay dahil sa kumplikasyon ng COVID-19 kaya nasa 44,567 na ang kabuuang bilang ng nasawi. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.