Abante Tonite Interactive

Recording artist na dalaga sinampal ng turista

606

Isang Korean national ang dinakip matapos itong magwala at sampalin umano ang isang dalagang recording artist sa loob ng Resorts World Manila kahapon nang madaling-araw sa Pasay City.

Sa detention cell ng Pasay City Police ang bagsak ng suspek na si Luk Perry, 30-anyos, isang turista.

Kinilala naman ang biktimang si Shirley, 47, dalaga, taga-#185-A Mansfield Bldg. Lake View Manors, Brgy. Ususan, Taguig City.

Sa report ng Pasay City Police, alas-3:15 ng madaling-araw nang arestuhin ang nasabing dayuhan sa loob ng Resorts World Manila sa Newport Boulevard, Brgy. 183 Villamor nang nabanggit na lungsod.

Bago maaresto ang nasabing dayuhan, nakatanggap sila ng tawag sa telepono hinggil sa pagwawala at pananakit ng dayuhan sa isang babaeng recording artist.

Agad namang rumeponde ang mga tauhan ng Villamor Police Community Precinct kung saan naabutan pa nilang nagwawala ang turista kaya ito dinampot.
Sinasabing nagpapalag at minura pa umano ng Koreano ang mga pulis na umaresto sa kanya. (Armida Rico)