Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Recto: Bayanihan 2 pondo na-chopsuey

0 244

Kailangan paglaanan ng mas malaking pondo ang health sector sa ilalim ng panukalang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2, ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto.

“There are too many things in the Bayahinan 2 bill na palagay ko nagiging chopsuey masyado. We’re trying to achieve too much,” pahayag ni Recto sa panayam sa telebisyon.

Para sa senador, pinakamahalaga aniya na bigyan ng mas maraming pondo ang health sector para labanan ang pandemya.

Sabi ni Recto, kung kinakailangan ng health sector ng P50 bilyon hanggang P100 bilyon, dapat ibigay aniya ito ng mga mambabatas.

“You won’t be able to open the economy, you won’t provide any confidence if we cannot defeat the virus even before a vaccine comes along,” ani Recto.

Sa ilalim ng inaprubahang bersyon ng Bayanihan 2 sa Senado, P10 bilyon lang ang inilaan para sa COVID-19 testing at iba pang health care service. Mahigit P50 bilyon naman para kapital ng mga government financial institution habang ang iba ay para sa subsidiya at iba pang tulong para sa nagsarang mga industriya.

Sabi ni Recto, hindi naman siya kontra sa alokasyon para sa ibang sektor pero dapat aniyang dagdagan ang para sa health sector.

“We have to increase the number of our frontliners, our health workers. Hire more. We’re going to war. We’ve been at it for five months now. So hire as many as we can, pay them properly, pay them well, make sure we protect them properly,” sabi ni Recto.

Kasalukuyan pang nag-uusap ang bicameral conference committee para sa hindi mapagkasunduang mga probisyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa Bayanihan 2. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.