Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Recto, Gatchalian walang kalaban sa distrito

0 80

Walang kalaban sa pagtakbo bilang kongresista sa kanilang mga distrito sina Senador Ralph Recto at Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian.

Tatakbo si Recto bilang kinatawan ng ika-anim na distrito ng Batangas kapalit ng asawang si Rep. Vilma Santos-Recto na nagpasyang magpahinga na umano sa politika.

Ayon kay Recto, ipagpapatuloy niya ang pagpapatupad ng mga kapaki-pakinabang na batas sa Kamara.

Samantala, walang kalaban si Gatchalian sa unang distrito ng Valenzuela.

“Valenzuelanos, maraming maraming salamat sa tiwala at suporta, working for the general public of Valenzuela will always be the greatest honor and privilege of my life,” pahayag ni Gatchalian.

Batay sa datos ng Comelec, noong 2016 ay 546 na kandidato sa lokal na puwesto ang walang kalaban.(Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.