Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Recto hinimok si Duterte kausapin mga frontliner

0 399

Hiniling ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto kay Pangulong Rodrigo Duterte na harapin at kausapin ang mga frontliner para personal niyang malaman ang karaingan ng mga ito kaugnay ng paglaban sa COVID-19 pandemic.

“It is a doctor’s prescription with side effect. But if it will cure the patient and prevent medical personnel from falling ill, then there’s no choice but to follow it,” sabi ni Recto.

Ginawa ng senador ang kahilingan kay Pangulong Duterte matapos manawagan ang medical community na magpatupad muna ng 14 araw na enhanced community quarantine sa Metro Manila dahil sa patuloy na paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa National Capital Region para mapag-aralan ang iba pang istratehiya kontra sa virus.

Ayon kay Recto, ang hinihinging `time out’ ng health community ay hamon sa gobyerno para mag-double time.

“Mr. President, please make time to personally listen to the physicians. Hear their frontline stories firsthand and without filter. It is time for you to set an appointment with the doctors,” ayon pa kay Recto.

Leave A Reply

Your email address will not be published.