Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Recto: Lumang jeep mas ligtas sa virus

0 355

Kung si Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang tatanungin, nais nitong bigyan pa ng pagkakataon na bumiyahe ang mga lumang jeep na para sa kanya ay mas ligtas sa COVID-19.

Ayon kay Recto, isa ang mga jeep sa pinakaligtas na pampublikong sasakyan dahil bukas ang mga bintana nito at malayang nakakagalaw ang hangin.

Naawa ang senador dahil 1/3 lamang aniya ng mga jeep ang pinayagang bumiyahe sa Metro Manila. Aniya, sa bawat jeep na hindi pinayagang bumiyahe ay daan-daan namang mga naghahanapbuhay para sa kanilang pamilya ang walang masakyan papunta sa kanilang trabaho at pauwi sa bahay.

Ito’y sa kabila aniya na sumunod na rin ang mga jeepney driver sa mga pinatutupad na health protocol katulad ng physical distancing.

SM food to go Banner Ad

Dahil dito, giniit ni Recto na mas makabubuti kung unang makikinabang ang mga jeepney driver sa service contracting scheme sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

“There is a P5.58 billion allocation for this. This kind of transport subsidy is nothing new. Billions in taxpayers’ money has been lubricating MRT, PNR operations through the years,” sabi ni Recto.

Giit pa ng senador na gamitin ang siyensa sa pagpapatupad ng mga polisiya sa paglalakbay katulad sa pagbabawas ng physical distancing sa mga pampublikong sasakyan.

“Science should solely decide if the proposal, when applied to the LRT and MRT, will make them safe, or as dangerous as the Train to Busan,” sabi pa ni Recto.

Leave A Reply

Your email address will not be published.