Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Recto sinita si Lopez sa barter tax

0 294

Kinuwestyon ni Senate President Pro Tempore ang pahayag ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na papatawan ng buwis ang mga nagsasagawa ng barter trade sa social media ngayong mahigpit pa ang quarantine status dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Recto na dapat linawin ito ng DTI dahil wala namang nilalabag na batas ang mga magkakapitbahay na nagpapalitan lang naman ng kanilang mga gamit sa community chat group.

Ayon kay Recto, parte na ng buhay sa maraming kanayunan ang barter kung saan ang isang bag ng bigas ay pinagpapalit sa isang basket ng mga gulay.

Para maka-survive aniya sa lockdown, naisip ng mga tao na magpalitan ng mga sobra o hindi nagagamit na household item na dating tinatago lamang sa kanilang bahay. Ang iba naman aniya ay ginagawa ito para mawala ang pagkainip sa lockdown.

Leave A Reply

Your email address will not be published.