Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Recto tinulak P32K suweldo sa mga social worker

0 448

Isinulong ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na dagdagan ang suweldo ng mga social worker ng gobyerno na tinuturing aniyang mga “nakalimutang” frontliner sa COVID-19 pandemic.

“There is a group of forgotten and neglected health frontliners to whom the nation owes so much—the social workers in public clinics and hospitals,” ani Recto.

Marami aniyang hinaharap na mga pasyente sa ospital ang mga social worker at ang pinakamainam na pasasalamat para sa kanilang paglilingkod sa bayan ay gawin ang kanilang minimum salary na katumbas sa suweldo ng nurse o P32,035 kada buwan sa ilalim ng Salary Grade 15 category ng government pay scale.

“Sila ang unang puntahan ng mga kamag-anak ng naospital. Hindi lang tambak ng papeles ang kanilang mesa, puno din ng luha,” dagdag pa ni Recto. (JC Cahinhinan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.