Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Red Cross, Angkas sanib puwersa sa serbisyo

0 390

Bumuhos ang papuri ng co-founder ng motorcycle taxi app na Angkas sa Philippine Red Cross (PRC) dahil sa umanoy misyon nito na tulungan ang mga motorcycle riders ng bansa.

Ito ay dahil naganap ang kasunduan sa pagitan ng Angkas at PRC na magaganap ang “humanitarian service workers” ng nasa higit 30,000 Angkas riders na magbibigay ng serbisyo sa PRC na maghahatid kahit sa mga malalayong lugar ng mga ide-deliver na COVID-19 Saliva RT-PCR test kits.

Ang mga COVID-19 Saliva RT-PCR test kits ay ihahatid sa kabahayan at dadalhin pabalik sa mga laboratoryo ng PRC para i-proseso.

Ayon sa PRC, “If we can get all 18 million motorcycles in the country to be like Angkas, papayapa ang bayan.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bukod pa sa paghahatod ng test kits, maaari ring magpadala ng blood bags sa mga pasyente sa ospital at mapapabilis rin ang paghahatid ng first aid sa mga maaaksidente sa kalsada sa tulong ng mga Angkas bikers.

Ayon kay Angkas Chief Transport Advocate and Co-Founder George Royeca, ang Angkas ay kasama at kabalikat na ng Philippine Red Cross ngayon at malaki ang tiwala kay Gordon dahil naitaguyod nito ang PRC bilang isang organisasyong laging maaasahan at nagbibigay ng pag-asa sa mga nangangailangan, bago pa man ang pandemya.

Tinitiyak naman ni Royeca na rehistrado sa tunay na may-ari at may maayos na plaka ang lahat ng mga motorsiklo na miyembro ng Angkas. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.