Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Red Cross bobokyain sa donasyon

0 58

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na puputulin ang lahat ng transaksiyon ng gobyerno sa Philippine Red Cross (PRC) kapag hindi magsumite ng annual report ang chairman nito na si Senador Richard Gordon.

Bukod sa annual report, nais din ng Pangulo na ipa-audit ang pondo ng Red Cross mula sa mga tinatanggap nito sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

“Ngayon kung ayaw mo [Gordon], mapipilitan akong totally disassociate with you. I will stop the national government and all from having transaction with you in any manner. Wala akong pakialam hindi ako magbigay ng pera sa iyo. As far as I’m concerned, Red Cross does not exist. Either you submit and auditing procedure or we quarrel,” babala ng Pangulo.

Aniya, nakasaad sa batas na kailangang magsumite ng annual report ang Red Cross sa presidente ng bansa subalit anim na taon na siya sa puwesto ay wala pang natatanggap na report.

“The Red Cross must submit to the President an annual report. Since then, wala akong natanggap anim na taon na ako. Mr. Senator Gordon, nasaan na ang report?” aniya.

Tumatanggap aniya ng pera ang Red Cross mula sa gobyerno kaya dapat lamang malaman kung saan ginagamit ang pondong ibinibigay sa ahensiyang pinamumunuan ni Gordon.

“So in the coming days I will write you a letter to open up your records because I will also ask [Commission on Audit chairman Michael] Aguinaldo and I am sure he knows his business that there is body belonging to the government which he has to look into,” sabi ng Pangulo.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte na “dereliction of duty” ng COA kapag tumanggi itong kalkalin ang pondo ng Red Cross. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.