Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Red Cross-Gordon sablay sa P100M COVID test

0 225

Dinawit ni dating Philhealth anti-fraud officer Thorsson Montes Keith si Philippine Red Cross chairman and Senator Richard Gordon na nagkaroon umano ng maanomalyang transaksyon sa pagitan ng non-profit organization at state health insurer.

Ayon kay Keith, nagkaroon ng P100-million advance payment ang PRC mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa COVID-19 testing.

“The money was given to Red Cross, Red Cross is a non-profit organization and the chairman is a senator. He’s a government official so he should know that making an agreement which creates undue injury to the government is punishable by law,” Inihayag pa ng whistleblower sa isang interview..

Sinabi pa nito na nagdulot ng “undue injury” sa gobyerno ang naturang transaksyon.

Nabatid na nakatanggap ang PRC ng paunang P100 milyong kabayaran mula sa PhilHealth para sa COVID—19 testing.

Subalit iginiit ni Gordon na may utang pa ang PhilHealth na P700 milyon para sa mga isinagawang COVID-test ng PRC.

Noong July 28, 2020 ay ipinahayag ng PhilHealth na ang kasunduan nito sa PRC ay bahagi ng Bayanihan to Heal as One Act.

Sinabi pa ng PRC na hiniling ng Office of the Executive Secretary sa mga departamento ng gobyerno na makipag-partner sa PRC bilang “primary humanitarian agency” na katuwang ng pamahalaan sa pagkakaloob ng tulong sa gobyerno at ire-reimburse na lamang ang mga serbisyo nito sa paglaban sa COVID-19.

Sinikap naman ng Abante Tonite na makuha ang panig ng kampo ni Senador Gordon hinggil sa isyung ito subalit walang nakuhang pahayag. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.