Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Red Cross kay De Lima: PhilHealth deal ligal

0 202

Inihayag ng Philippine Red Cross PRC) na ligal at wala silang nilabag na batas kaugnay ng memorandum of agreement (MOA) sa pagitan nila at ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

“On behalf of the Board of Governors of the Philippine Red Cross (“PRC”), and our Chairman Sen. Richard J. Gordon, we would like to say: (i) all transactions of the PhilHealth and PRC are legal and covered by the Republic Act No. 11469,” ayon sa pahayag ng PRC.

Ginawa ng PRC ang pahayag ilang araw matapos hilingin ni Senador Leila de Lima na imbestigahan ang diumano’y ‘conflict of interest’ sa pagpasok ni Gordon at ng PRC ng kasunduan sa PhilHealth para sa COVID-19 test.

Giit ng PRC, walang katotohan ang akusasyon ni De Lima.

“There is no conflict of interest in Sen. Gordon’s situation, and (iii) the disinformation being spread about the Philippine Red Cross and Chairman Gordon are totally baseless and merely meant to besmirch our reputation,” sabi ng PRC.

Lahat umano ng transaksiyon sa pagitan ng PRC at ng PhilHealth ay ligal.

“It is ludicrous and a downright shame that Sen. De Lima is hitting Chairman Gordon and the PRC after they have done so much for the country. With all the time she has in incarceration, she should have first studied the law,” sabi pa ng PRC. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.