Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Red Cross lang malakas sa PhilHealth

0 61

Inunang aregluhin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang 1.7 milyong claims ng Philippine Red Cross (PRC) para sa COVID-19 testing nito na umabot ng P6 bilyon hanggang Hulyo 31, 2021.

Ayon sa datos ng PhilHealth, nasa 817,963 ang claims ng PRC para sa COVID testing noong 2020 at P2.9 bilyon ang binayad dito.

Mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon naman, nasa 885,520 ang claims ng PRC at P3.1 bilyon ang binayad dito ng Philhealth para sa lahat ng COVID testing

Base sa datos ng PhilHealth, ang average cost ng bawat COVID test ng PRC ay P3,529.21 noong 2020 hanggang 2021. Noong 2020, ang average cost ng test ng PRC ay P3,597.15 at ang average cost naman ng test nito sa 2021 ay P3,466.44.

Samantala, P2.96 bilyon naman ang binayaran ng PhilHealth para sa 1,066,948 claims ng iba’t ibang laboratoryo at mga ospital para sa testing mula 2020 hanggang Hulyo 2021.

Ang average na halaga ng testing ay P2,777.48, mas mura kaysa sa test ng PRC. Nasa 2.8 milyon ang claims na isinumite ng iba pang laboratoryo at ospital sa PhilHealth para sa testing at halos 1/3 lamang ang binayaran dito.

Noong 2020 ay 604,189 ang claims ng iba pang laboratoryo at ospital sa PhilHealth para sa testing at P1.02 bilyon lamang ang binayaran nito na katumbas ng 298,107 claims o wala pa sa kalahati ng sinisingil.

Ang average cost ng testing sa ibang laboratoryo at ospital noong 2020 ay nasa P3,434.67 lamang, mas mababa pa rin kaysa sa testing ng PRC.

Ngayong 2021, bumaba na ang average cost ng testing ng ibang laboratoryo at ospital sa P2,533.67 nang nagbayad ito ng P1.94 bilyon para sa 768,841 na testing. Sa 2.2 milyong claims na natanggap ng PhilHealth mula sa ibang laboratoryo at ospital, mula Enero hanggang Hulyo naman, mahigit 2.2 milyon ang claims para sa testing at 768,841 lamang ang bayad na.

Ayon sa Philhealth, mahigit 3 milyon ang natanggap na nitong claims mula sa mga laboratoryo at ospital na may kaugnayan sa COVID19, kasama na ang testing, isolation, at treatment mula 2020 hanggang Hulyo 31, 2021 at 1.1 milyon pa lamang ang binayaran. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.