Abante Tonite Interactive

Red Cross naka-full alert sa pag-aalburuto ng Taal

0 178

Agarang ipinakalat ni Philippine Red Cross (PRC) Chairman and CEO Richard Gordon ang lahat ng team at PRC assets na umaksyon at sagi­pin ang mga apektadong residente sa pag-alburuto ng Bulkang Taal.

Ayon kay Gordon na nasa Red Cross Operations Center, Linggo pa lang nang gabi nang u­nang mag-alburuto ang Taal ay agad na nagpadala ng limang ambulansya, Rapid Damage and Needs Assessment team at welfare desks habang inihanda na rin ang mga face mask, hot meal, at rescue vehicle para sa mga ililikas na pamilya.

“Philippine Red Cross is on full alert. We are preparing for distribution of food and non-food items. We advise everyone to take precautionary measures to avoid inhalation of ashes. Report to us any untoward incidents or call Red Cross hotline 143 in case of an emergency. Our teams are also assessing the immediate needs of the affected residents,” ayon kay Gordon.

PDRRMO kinalampag ni Fernando
Sa lungsod naman ng Malolos ay inatasan ng Gobernador at Tagapangulo ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Daniel Fernando ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) kahapon na kagyat na magpadala ng rescue at mga medical team sa mga biktima ng pagsabog ng Taal.

Matapos lumabas ang balita hinggil sa pagputok ng nasabing bulkan noong Linggo, dagliang naki­pagpulong si Fernando sa PDRRMC at tinalakay ang suspensyon ng klase at pasok sa opisina sa gobyerno.

Nakipag-ugnayan din ito sa mga pamahalaang bayan at lungsod, Bureau of Fire Protection, Bulacan PNP, mga rescue team at pampublikong ospital upang masiguro na sapat ang gamot at pasilidad kung may mangangailangan nito. (Vick Aquino/Jun Borlongan)