Abante Tonite Interactive

Red Cross umaapela ng tulong para sa Mindanao

0 82

Umapela ng tulong sa publiko ang Philippine Red Cross para sa patuloy na relief operations sa mga quake-hit areas sa Mindanao.

Nabatid na libo-libong pamilya ang naapektuhan at nawalan ng tahanan dahil sa sunod-sunod na malalakas na lindol noong Oktubre.

Nananawagan si PRC Chairman at CEO Richard Gordon sa publiko kabilang ang malalaking kompanya ng donasyon para sa mga residente ng North Cotabato at Davao Del Sur, dalawa sa mga lugar na pinakamatinding naapektuhan ng lindol.

Sa mga gustong magbigay ng tulong maaaring magdeposito ng makakayanang ha­laga sa kanilang BDO Peso Savings: 00-453-0190938, Dollar Savings: 10-453-0039482 (Swift Code: BNORPHMM) at BPI Peso Savings: 4991-0036-52 (Swift Code: BOPIPHMM0); Metrobank Peso Savings: 151-7-151524342 at Dollar Savings: 151-2-151002182 (Swift Code: MBTCPHMM). (Juliet de Loza-Cudia)