Abante Tonite Interactive

Red Cubs nakatanaw sa incentive

82

Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
9:00 a.m. — Mapua vs. Letran (jrs)
10:45 a.m. — St. Benilde vs. Arellano (jrs)
12:30 p.m. — San Beda vs. EAC (jrs)
2:15 p.m. — San Sebastian vs. Lyceum (jrs)
4:00 p.m. — JRU vs. Perpetual (jrs)

Aasintahin ng eight-peat seeking San Beda Red Cubs ang twice-to-beat advantage laban sa semplang ng EAC Bri­gadiers ngayong araw sa 92nd NCAA juniors basketball sa The Arena sa San Juan.

Mag-isa sa unahan ang Red Cubs (14-1) karta, ang panalo sa Brigadiers ang magsisiguro sa kanila ng playoff para sa incentive.

“That’s our next goal, to get that twice-to-beat advantage,” sabi ni San Beda coach JB Sison.

Karibal ng San Beda sa insentibong ibibigay sa top two finihers pagkatapos ng 18-game elimination round ang Arellano U Braves (13-2), St. Benilde-La Salle Greenhills (12-3) at Mapua (11-3).