Abante Tonite Interactive

Red Foods, Good for the Heart

439

Julius Segovia

julius-segoviaAng American Heart Association na ang nagsabi, kumain nang mapupulang pagkain para mapangalagaan ang puso.

Una sa listahan ang kamatis. Ayon sa mga pag-aaral, may proteksyon laban sa heart disease ang mga taong sagana sa pagkain ng kamatis. May lycopene ang kamatis na nagbibigay ng red color nito at isa ring powerful antioxidant.

Mayaman din sa potassium at vitamin C ang kamatis kaya mas heart-healthy ang appeal. Mas masustansiya ang kamatis kapag iniluluto. Kaya mainam na gumamit ng fresh tomatoes sa pag­luluto ng spaghetti sauce, chili or soups.

Nagpapataas naman ng good cholesterol ang pulang ubas na may taglay na flavonoids, quercetin at resveratrol. Pinipigilan din nito ang pagbuo-buo ng platelets sa dugo para hindi magbara ang ugat. Sabi ng ilang eksperto, mas masustansiya ang pula o itim na ubas kumpara sa berde o puting ubas. In moderation lang dapat ang pagkain dahil nakatataba rin ito.

Dahil gawa rin sa ubas at may taglay na resveratrol ang red wine, mabuti rin ito sa puso. Pinapataas ng resveratrol ang good cholesterol at pinapababa naman ang bad choleste­rol. Hinay-hinay lang sa pag-inom ng red wine. Hanggang dalawang maliit na baso lang ang puwedeng inumin ng mga lalaki habang isang maliit na baso lang para sa mga babae.

Mabuti rin sa puso ang strawberries. Ayon sa mga pag-aaral, mataas ang strawberries sa antioxidant, Vitamins B at C, pati potassium na kailangan sa normal na pagtibok ng puso. Pagkain ng walong piraso ng strawberries kada araw ang recommended ng ilang eksperto.

May benepisyo rin sa puso at ugat o blood vessels ang pulang pakwan.

Ayon sa U.S. Department of Agriculture, pinapataas ng pakwan ang lebel ng arginine sa ating katawan. Ang arginine ay naco-convert sa nitric oxide, isang kemikal na nagpapa-relax at nagpapabuka sa ating mga ugat. Kaya malaki ang maitutulong nito para makaiwas sa stroke at heart attack.

Mabuti rin sa kalusugan ang pulang mansanas. May pectin ang balat nito na nagpapababa ng lebel ng bad cholesterol. Ayon din sa mga pag-aaral, nakaiiwas sa kanser sa baga at sa Alzheimer’s­ disease ang taong kumakain ng pulang mansanas kada araw. Totoo nga ang kasabihang, ‘an apple a day keeps the doctor away.’

Mayaman din sa lycopene ang siling pula. Good source din ito ng Vitamins A at C na malaki rin ang naitutulong para mapangalagaan ang puso.

May potassium din ito na nagpapababa sa blood pressure kaya iwas heart disease.

Ang sa akin lang, importante pa ring kumonsulta sa doktor kung may espesyal o natatanging pangangaila­ngan ang inyong katawan. Huwag basta maniniwala sa mga sabi-sabi.