Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Red-tagging delikado – Biazon

0 185

Nagbabala si dating senador Rodolfo Biazon laban sa red-tagging na wala namang ebidensya.

Sa panayam sa programang “Balitaan at Kamustahan” ni Jon Ibanez sa Politiko Live, sinabi ni Biazon na delikado ito para sa nare-red tag dahil damay din ang kanyang pamilya.

“Mag-ingat sa red-tagging. People’s lives will be put in danger by simply being referred to,” sabi ni Biazon na dati ring Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero sa kabilang banda, hinikayat ni Biazon ang mga tinatawag niyang “tunay na oposisyon” o mga “ideological opposition” na sumali sa talakayan at maghayag ng damdamin na naaayon sa batas.

Hinimok din nito ang mga progresibong grupo na tulad ng kanilang pagkondena sa mga ginagawa umanong karahasan o pang-aabuso ng mga sundalo na sinasabi nila, ay ganundin ang gawin sa mga rebelde.

“Dapat marinig sa tunay na oposisyon, ideological opposition, to follow law and constitution. Dapat madinig sa kanila that they are against armed struggle, ang ilang sibilyang pinatay ilang mga sinirang equipment, ilang mga sinirang tulay. If they condemn the acts against human rights by agents of the government, they should also condemn violation of armed groups,” sinabi ni Biazon.(Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.