Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Red tagging pantakip ng mga komunista sa kaalyadong party-list

0 152

Ibinunyag ng isang dating lider ng komunista na sinasamantala lang ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang red tagging para maikubli ang mga kaalyado nilang party-list.

Ayon sa sumukong dating NPA leader na si Cristoni “Jong” Monzon aka Ka-Franco, pakana lang ang salitang “red tagging” para itago ang katotohanan na ang mga party-list na Kabataan, Anak Bayan, Bayan Muna, Gabriela, Karapatan at Act-Teachers ay may kaugnayan sa CPP-NPA-NDF.

“Red tagging is a word used by the communist group to cover and protect its legal fronts which the Commission on Election has unwittingly accredited via the party-list system. We can see them in Congress,” sambit ni Monzon sa balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Na-recruit si Monzon noong siya’y menor de edad pa lamang at nag-aaral sa University of Mindanao, sa Davao City. Namalagi siya sa poder ng kilusan ng 13-taon. Naging political instructor ng CPP-NPA-NDF, Regional Operations Command, ng Southern Mindanao Regional Committee.

SM food to go Banner Ad

Napatay ang kanyang ama, at itinanim sa kanyang isipan na militar ang pumatay.

“Kukunin ang emotion mo. At dahil nga sa pagkamatay ng aking ama, curious na ako sa lahat na ng issues. To be more active because agitated na and was told to recruit students to upsurge the movement,” paliwanag niya.

Ginagamit din umano ang mga katutubo o Indigenous Peoples (IPs) kapalit ang libreng edukasyon.

Nang maglabasan na ang mga warrant laban kay Monzon ay napilitan ng magtago at naging NPA fighter na. Subalit di niya makayanan ang ganung buhay kaya siya at dalawa pang IP ay tumakas at sumuko na sa mga militar. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.