Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Red tide: Shellfish inawat ng BFAR

0 428

Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na iwasan muna ang pagkain ng shellfish mula sa ilang siyudad sa Bohol, Leyte, Davao Oriental, Surigao Del Sur, at Negros Oriental dahil sa red tide.

Sa bulletin na inilabas ng tanggapan, lumalabas sa kanilang pagsisiyasat na positibo pa rin sa red tide ang mga shellfish na kinolekta sa mga sumusunod na lugar: BOHOL – Dauis, Tagbilaran City, Leyte, Cancabato Bay, Tacloban City, DAVAO ORIENTAL-Balite Bay, Mati City, SURIGAO DEL SUR -Lianga Bay .

Samantala, nagpositibo na rin sa red tide toxin ang mga shellfish na nakuha nila sa Tambobo Bay, Siaton, at Bais Bay sa Bais City sa Negros Oriental.

Paalala ng tanggapan na ang kahit anong uri ng shellfish o alamang na makukuha sa lugar ay hindi ligtas kainin. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.