Abante Tonite Interactive

Red Warriors inakay nina Diakhite, Suerte

231

Standings W L

Ateneo 8 0

UP 5 2

UST 4 4

DLSU 3 4

FEU 3 4

UE 3 5

Adamson 3 5

NU 1 6

Mga laro ngayon: (MOA Arena)

2:00pm — NU vs DLSU

4:00pm — FEU vs UP

NAGTULUNGAN sa second half sina Alex Diakhite at Rey Suerte upang pangunahan ang University of the East (UE) Red Warriors na itumba ang Adamson University (AdU) Soaring Falcons, 80-74, sa first game ng UAAP Season 82 men’s basketball eliminations sa Mall of Asia Arena kahapon.

Nagsalpak ng career-high 29 points ang big man mula Senegal at nagbaba ng 13 caroms at dalawang supalpal, habang si Suerte ay umayuda ng 26 marka, pitong boards at tatlong dimes para ipagkaloob sa Red Warriors ang ikalawang dikit na panalo tungo sa 3-5 panalo-talo baraha kapareho ng biktimang Soaring Falcons.

Mainit si Diakhite sa ikalawang hati ng laro nang magpasabog ng 23 markers sa naturang stretch upang ibigay ang unang back-to-back victory ng UE sa kasalukuyang season.

Sa main game, pinadapa ng defending champions Ateneo de Manila University (ADMU) Blue Eagles ang University of Sto. Tomas (UST) Growling Tigers, 66-52.

Naglista ng 17 marka, siyam na rebounds at dalawang agaw si Thirdy Ravena upang pamunuan ang Ateneo at tanghaling Best Player of the Game.

Pinatatag ng Ateneo ang pagkapit sa unahan ng team standings hawak ang malinis na 8-0 baraha, habang laglag sa 4-4 panalo-talo marka ang España-based squad UST. (Aivan U. Episcope)