Abante Tonite Interactive

‘Redeem Team’ mahihirapan – Kobe

419

NASA Wukesong Sport Arena sa Beijing Biyernes ng gabi si Kobe Bryant, pinanood ang semifinal win ng Argentina sa France sa FIBA World Cup.

Naroon din si Chris Bosh.

Nasa China si Bryant sa final weekend ng World Cup bilang ambassador ng FIBA. Siya rin ang tumulong na nangasiwa sa draw noong March.

Naglaro si Kobe sa Redeem Team ng US noong 2008, ang squad na nag-deliver ng gold sa Beijing Olympics pagkatapos ng sunod-sunod na talo sa big tournaments.

Hindi sigurado si Bryant kung madaling makakahanap ng Redeem Team ang US.

Wala sa medal round ngayong taon ang Americans, ang World Cup back-to-back champions.

Best finish nila sa China ay seventh o eighth, depende sa resulta ng laro kontra Poland kahapon.

Posibleng tapos na raw ang mga araw ng automatic gold medals sa US, kahit sino pa ang nasa roster.

“It’s not going to be a cakewalk,” ani Kobe. “The Days of the 1992 Barcelona Dream Team are gone, over.”

Ibang level na ang inilalaro ng mga kalabang bansa.

“We’re going to have our challenges for the next team, whether it’s Redeem 2 or whatever you want to call it,” dagdag ng five-time NBA champion. “No matter what team it is, it’s not going to be easy.”

Maraming NBA superstars ang umatras sa US World Cup team. Nakalimang sunod na panalo ang Americans bago sinipa ng France sa quarters.

Susunod na malaking torneo para sa US ang 2020 Tokyo Olympics. (VE)