Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ref ‘di daw patas! Dani Ravena giyera sa mga Ginebra fan

0 506

RP

Pinaulanan ng bash si Ateneo volleybelle Dani Ravena matapos nitong maglabas ng hinaing sa Game 2 ng PBA Philippine Cup Finals sa pagitan ng Barangay Ginebra at TNT Tropang Giga.

Sa buradong tweet ni Dani, sinabi nito na ‘naglolokohan’ lang daw sa naturang laban dahil sa pinitong foul ng mga referee.

“REF PWEDE MAGING FAIR KA NAMAN? Kahit slight lang,” patama pa ng nakababatang Ravena.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi ito nagustuhan ng mga Ginebra fan at pinutakte ang social media ni Dani, kung saan pinuna din ng mga ito ang kanyang tatay na si TNT coach Bong Ravena dahil mukha raw na hindi ito ang head coach ng koponan.

“Its honestly so damn tiring to argue with people na “mamarunong” about how the management goes in PBA. But nonetheless, i’ll waste my time on you. My dad has been part of the management team of TalkNText for YEARS,” giit ni Dani.

Leave A Reply

Your email address will not be published.