Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Referee ekis sa PBA Finals

0 95

Sinipa na sa 46th Philippine Basketball Association 2021 Philippine Cup Finals best-of-seven series ang isang referee na may kuwestiyonableng tawag na foul kay Brian Heruela ng TNT sa Game 3 laban sa Magnolia Pambansang Manok nitong Linggo.

Kinumpirma ni PBA commissioner Willie Marcial Lunes na hindi na mag-officiate ang nasabing reperi sa natitirang bahagi serye ng all-Pinoy conference.

SM food to go Banner Ad

Isa kina game official chief Peter Balao, Sherwin Pineda, Kenny Hallig, at Janine Nicandro ang kontrobersiyal na pumito kay Heruela sa laro sa Don Honorio Ventura State University gymnasium sa Bacolor Pampanga.

Kita sa replay na hindi nahawakan o no contact ang Tropang Giga point guard laban kay Hotshot star Paul John Lee sa isang tagpo sa second quarter. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.