Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Referred pain

0 470

Kung minsan, may mga pagkakataon na kung may nararamdaman ang isang tao at kumunsulta o dinala sa clinic, ibang parte ang inieksamin ng doktor o iba ang mga pinagagawang laboratory tests na malayo sa naaapektuhang lugar. Ang mga halimbawa nito ay sa binti at paa ang problema o di kaya sa pige ngunit ang isang pinagagawa ay MRI ng spine, kung minsan braso at binti ang nanghina, ngumiwi ang mukha, CT Scan ng utak naman ang pinagagawa, o di kaya masakit ang sikmura o ang balikat at ECG ng puso ang request.

Kung minsan ang sakit sa likod ay pinagagawan ng urinalysis o di kaya ultrasound ng atay at apdo. Ang titingnan sa una ay kung naaapektuhan ang spinal cord, naiipit ba, may bukol o may impeksyon kaya di magalaw o masakit ang pige, binti o paa. Ang pangalawa naman ay para malaman kung may pumutok na ugat sa utak o di kaya may ugat na may bara at hindi madaluyan ng dugo kaya nagkakaroon ng CVA o cardiovascular accident o stroke.

Ang pangatlo naman ay maaaring nagkakaroon na pala ng atake sa puso. At ang huli ay maaaring hindi sa muscle ang kudisyon, maaaring sa bato at daanan ng ihi o sa apdo na may batong bumabara. Oo maaring ang problema ay naroroon sa lugar na talagang nararamdaman, ngunit kapag naeksamin, mainam na siguraduhin na hindi sa iba ang pinanggagalingan. Ito ay ang tinatawag na differential diagnosis, o mga maaaring dahilan ng mga nararamdaman at ang mga hinalimbawa natin ay ang tinatawag na Referred Pain.

Madalas naman na kung nasaan ang nararamdaman, nandoon din ang problema, ngunit mahalaga na tingnan ang lahat ng posibilidad dahil kung minsan, napakaimportante ng oras lalo na kung puso at utak ang pinaguusapan. Maaaring ikamatay ng pasyente kung hindi agad agad madiskubre.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi naman dapat matakot pag may naramdaman dahil hindi ibig sabihin nito ay malala agad. Pinaka importante ay kumunsulta agad. Mapapunta sa klinika o dahil sa panahon ng Covid19 ay maaari din naman mag virtual consult na telemedicine.

Tayo ang nakakakilala sa ating sarili, kung kaya’t huwag balewalain kung may nararamdaman lalo na kung ito ay biglaan, lumalala na, o nagkakaroon ng epekto sa pang araw araw na pagkilos.

Hanggang sa susunod ! Keep healthy! Stay safe!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing lingo 11am-12nn) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.