Abante Tonite Interactive

Refuse To Lose paborito

348

Bakbakan ang anim na kalahok sa Three-Year-Old Maiden Race ngayong araw sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Inaasahang magiging mahigpitan ang labanan lalo na ng pinapaborang Refuse To Lose at Nice Yun Halo dahil sa karagdagang premyo na P10,000 mula sa Philippine Racing Commission.

Kasali rin sina Perfect Time, Sorority Girl, Magnifico at Konzeelanz.
“Anim lang sila pero mahirap pa rin mamili at kahit dalawa ang kunin mo ‘di rin sigurado na makaka-one point ka sa Pick 6,” saad ni Bobby Cervantes, matagal nang karerista.

Rerendahan ang nasabing kabayong patok ito ni reigning Philippine Sportswriters Association Jockey of the Year O’Neal Cortez. (Elech Dawa)