Abante Tonite Interactive

Regalo ng fans tinanggihan ng BTS

By
8,159

SARILING record na ang bini-beat ng sikat na South Korean boy group na BTS pagdating sa Billboard 200 Chart.

19th straight week na ang recent album nila na “Love Yourself: Her” na ang pinaka-peak ng album sa chart ay Number 7 noong October 2018. Ngayon ay nasa Top 114 ito.

Ang Top 7 ang highest record set sa Billboard 200 Chart among K-pop artists.

Matindi rin ang achievement ng BTS sa Billboard Social 50 Chart na sa loob ng 62 weeks ay nasa number one spot!

Number 14 naman sila sa Artist 100 Chart at ang Love Yourself: Her nga ay nananatiling number one sa World Album Chart pa rin sa loob ng dalawang linggo.

Ibang klase ang achievements at naitatalang record ng BTS hindi lamang sa bansang South Korea kung hindi sa buong mundo.

Ang mga fan naman ng BTS ay nagko-comment na kailangan daw mag-release na muli ng bagong album ng grupo kahit na nasa top pa rin naman ang last year’s album nila. Katwiran ng mga fan, para hindi raw makuha ang puwesto sa Billboard chart at tuloy-tuloy lang ang paghahari ng grupo.

Hanggang ngayon, sa kabila ng maraming fans ng BTS ang gustong gumastos at magbigay ng mga mamahaling regalo, pinaninindigan at pinatigil na nilang talaga ang pagreregalo sa kanila.

Hanggang fan letters lang ang tinatanggap nila.