Abante Tonite Interactive

Regalo ng sikat na aktor, isinoli ng pamilya

2,372

How true ang tsikang isinoli umano ang mga ipinadalang regalo ng isang sikat na aktor para sa kanyang mga mahal sa buhay?

Matagal-tagal na umanong walang komunikasyon ang sikat na aktor sa kanyang pamilya matapos ngang magkanya-kanya na sila ng landas.

At para maiwasan daw ang intriga tungkol sa mga usaping legal at pinansyal na suporta sa mga kapamilya, pinadaraan daw thru legal persons ang sustento.

May pirmahan, may nagdodokumento at iba pang record na ipinatutupad dahil ‘yun daw ang demand ng magkabilang panig lalo pa’t kilala ring personalidad ang partner ng sikat na aktor.

At nito ngang masangkot sa isang iskandalo ang sikat na aktor, umiwas ang mga kaanak niyang madikit dito.
At nang magdala nga raw ng sandamakmak na regalo ang legal person, kasama na ang mga ticket to abroad at cash money, ang huli lang daw ang tinanggap ng mga kapamilya.

“Kung ano lang ‘yung napagkasunduang amount bilang sustento, ‘yun lang ang kinuha. Lahat pina­balik nila pati mga mamahaling regalo. Pero kinunan nila ng photos and video ang mga pinasoling regalo para wala daw isusumbat si …(sikat na aktor) sa mga kapamil­ya,” sey ng aming informant.

Pero ang nakakaintrigang bahagi nga raw ng dino-document na video ng mga isinauling gift, ay nu’ng maringgan ang mga ‘anak’ ni sikat na aktor na ‘baka umano galing sa masama o pa­ngungurakot’ ang padala ng ama sa kanila kaya hindi nila ito matatanggap? Diumano, ikinahihiya nila ito.