Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Regalo ni Ivana inayawan ng utol

0 157

Tumpak na tumpak, dakila nga kung magmahal ang millennial bathaluman Ivani Alawi lalong-lalo na sa dating child actress na kanyang bunsong kapatid, si Mona Louise.

Bukas na aklat naman na may type 1 diabetes ang dalagita kaya nga si Alawi, all mine to give dito, lalong-lalo na kanyang medical needs at mga bagay-bagay na makakapagsaya sa kanyang bunso.

Si Mona na nga ang “tumatanggi” sa mga regalo ng kanyang ate kasi nga talagang mamahalin.

Ang millennial bathaluman naman, hindi pinakikinggan ang mga pag-ayaw ni little miss Mona dahil nga bilang ate, alam niyang responsibilidad niya na ito ay pangalagaan.

At siyempre pa ang buong pamilya niya na hindi maikakailang ang comfort, welfare at peace of mind ng mga ito ang kanyang priority.

Totoo nga na what is essential is invisible to the eye at ito ay ang dakilang pagmamahal ni Ivana Alawi para sa kanyang mga tunay na tinatangi.

Kaya sa mga binata diyan na may balak na ligawan ang millennial bathaluman, tiyakin niyo naman na karapat-dapat kayo sa kanyang pagkababae at pusong dakila.

SM food to go Banner Ad

Awwww…. panalo ka talaga, Ivani Alawi!

Ali, Pat-P kabugan sa komentaryo

Pag pinagsama ang dalawang babaing kapwa matalino at talaga namang may sustansiya ang mga opinion sa mga bagay-bagay swak sina Ali Sotto at K Pat-P Daza. Nagsanib puwersa sila sa “Ano Sa Palagay Nyo?” sa Net 25.

Sa pagvo-volt in nina Ali at Pat-P, go for gold ang metikulosong pagbusisi sa mga isyung kinakaharap natin ngayon pero ang pagtalakay sa mga ito ay magaan at madaling mauunawaan.

Pangako ni Ali: “Maiparamdam natin na first and foremost, Pilipino tayo sa aming talakayan ni Pat-P.”

Say naman ni Pat-P: “Maraming isyu na hindi natin pwedeng palampasin. We have to know what’s happening para at least meron tayong kaalaman kung paano natin pwedeng labanan ang mga nangyayari.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.