Abante Tonite Interactive

Regalong kwintas ni Coco ibibigay ni Angeline kay Julia

1,333

Ni Vinia Vivar

Matagal nang “dead” ang issue between Coco Martin and Angeline Quinto pero madalas ay natatanong pa rin ito kay Angge (tawag kay Angeline). Katulad kahapon sa pocket presscon nila ni Jed Madela para sa pre-Valentine dinner concert nila na “Voices For Love”, naging topic na naman ang aktor na na-link sa kanya way, way back, noong panahong ginagawa nila ang pelikulang “Born To Love You”.

Napag-usapan kasi ang diamond earrings na bigay sa kanya ni Regine Velasquez noon at ang necklace na may cross pendant na bigay naman ni Coco. Ayon kay Angeline ay pareho raw nasa kanya pa ang mga nasabing alahas.

Biniro si Angeline kung halimbawang makita ni Julia Montes na suot niya ang necklace na bigay ni Coco, gumanti rin ng biro si Birit Queen.

“Eh ‘di bigay ko na lang sa kanya. ‘Sa ‘yo na lang,’ ganu’n,” sey ni Angeline, sabay-tawa.

“Hindi, okay naman din kami ni Julia. Actually nga, inaantay ko siyang bumalik ng ano, eh (ng showbiz),” seryosong saad ni Angge.

Wala pa ba si Julia sa bansa?

“Sa ngayon, hindi ko pa po alam. Pero kasi nga, dahil nga nanggaling din siya ng Cornerstone, kapag nakikita ko na nagpo-post ‘yung dating handler niya, si Kuya Mac, nakakatuwa lang,” sagot ni Angeline.

Ang Cornerstone Entertainment, Inc. ang management nila ni Julia na pag-aaari ni Eric Raymundo.

When asked kung okay naman si Julia, sagot ni Angge, “opo.” Pero hindi pa naman daw niya nakikita ulit ang aktres simula nang bumalik ito at sa picture lang daw niya nakikita.

“Basta ang sabi lang ni Kuya Mac nang magkita kami, “Ge, kinakamusta ka ni Julia.”

Hanggang sa napag-usapan na ang tsika kay Julia na diumano nga ay nanganak na ito at si Coco ang itinuturong ama.

Ayon kay Angeline ay naririnig lang din naman niya ang tsismis na ito at hindi naman daw niya alam kung totoo.

“Mamatay na,” sey pa niya, “totoo, hindi ko alam. Kung may maririnig man ako, hindi ko kasi ugali ‘yung ‘totoo ba ‘yung tsika?’”

Dagdag pa niya, “eh di kung totoo, eh ‘di excited akong makita ‘yung bata. Kung hindi, okay lang din.”

Inamin din ni Angeline na may mga nagtatanong din sa kanya regarding this at aniya ay hindi rin niya alam talaga ang isasagot niya.

Tinanong din siya kung willing ba siyang maging ninang ng baby pero umiwas na siya at masarap daw kumain ulit.

Samantala, first concert together pala nina Jed at Angeline ang “Voices For Love” although magkasama sila sa “ASAP” every Sunday. Gaganapin ito sa Marriott Grand Ballroom, 730 PM sa February 12.