Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Regine aminadong bobo

0 111

Tinawag ni Regine Velasquez ang sarili na “bobo” para lang ipaintindi sa mga netizen, fan, ang pagiging baguhan niya sa TikTok.

Nagposte si Regine sa Instagram, at nag-tweet din ng TikTok video niya, na bumabanat siya ng kanta at pinamalas ang husay niya sa tinatawag na dynamics.

Sa umpisa ay boses chipmunks ang maririnig kay Regine, hanggang mag-shift ito sa sariling boses.

Sa post na ito sinagot ni Regine ang mga tanong at pamba-bash sa kanya ng ilan sa paggamit ng TikTok, kasunod ang pag-amin na “bobo” nga siya rito.

“Ok sa mga nagtatanong live nga eh walang mic o so walang effects. Also bobo pa lola nyo sa Tiktok #Mipansusumilive good morning,” sabi ni Regine. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.