Abante Tonite Interactive

Regine-Ariel may moment sa Australia

1,952
tonite-pak-allan-diones
Bongga ang official debut ni Regine Velasquez-Alcasid bilang isang Kapamilya na naganap sa “ASAP” show sa Australia nu’ng Sabado.Grabe ang hiya­wan ng Pinoy audience at super-applauded ang unang pagtapak ni Songbird sa “ASAP” stage sa jampacked na ICC Sydney Theatre.
Bet na bet ng Sydney audience ang pag-awit niya ng “Dadalhin” at tuwang-tuwa sila na parte na ng ABS-CBN family ang Asia’s Songbird.
Sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid at Piolo Pascual ang nag-welcome kay Regine.
 Sey ni Reg, natuwa siya na makita si Piolo, na kiyemeng nagreak si Ogie kaya panay ang tawa ng mga utaw.
Hirit ni Songbird sa mister niya, “Kahit may Piolo Pascual ako dito sa kabila, ikaw pa rin ang mahal ko!”
Tapos, sey niya kay Piolo, “Mamaya mag-usap tayo!”
Pinansin din ni Ogs na panay ang kapit ni Reg sa braso ni Piolo, na ang sabi niya ay panay ang angkla nito sa Kapamilya hunk, so aliw na aliw ang audience.
May duet siyempre ang mag-asawa. Sakto na doon naganap ang first appea­rance ni Regine, sa Sydney na ang sabi ni Ogs ay pangalawang tahanan niya.
Nandu’n sa audience si Michelle Van Eimeren at ang pamilya nito.
Sa second episode na tineyp nila ay may song prod si Regine kasama sina Gary, Erik Santos at Angeline Quinto. Bigay na bigay ang pagbirit ni Songbird ng “Hanggang Ngayon” at kita mong na-miss nito ang pag-awit.
Sa “ASAP Pinoy” segment ni Gary V ay tampok ang musika ni Ariel Rivera. May konek din ito kay Reg dahil ex-boyfriend niya si Ariel.
Ka-join si Reg sa mga kumanta ng songs ni Ariel, na isa sa pioneer hosts ng “ASAP” nang magsimula ito nu’ng 1995.
Ang ganda ng Regine-Ariel moment, in fairness. Naiyak si Ariel sa pa-tribute sa kanya na ‘yon ng “ASAP”.
Sa finale, lahat sila ay nakasuot ng “ASAP” T-shirt at kumanta sila ng “Just Love Ngayong Christmas”. Nangingibabaw ang boses ni Regine sa group singing.
Nandito ang ilan sa exclusive photos na pina­dala sa amin mula sa Sydney. Sa Linggo ipapalabas ang first part ng “ASAP Live in Sydney”.
***

Vickie ginagaya ni Jason

Ang beauty queen girlfriend niyang si Vickie Rushton ang peg ni Jason Abalos ‘pag naka-girl siya sa bagong Kapuso afternoon drama na “Asawa Ko, Karibal Ko”.
First time palang mag-gay role ni Jason, so hindi niya raw alam ang gagawin ‘pag nakababae na siya. Kloseta ang karakter niya na asawa ni Kris Bernal, pero takot mag-out dahil sa tatay niya.
 Sey ni Jason, mahirap dahil babae ang peg niya rito at hindi lang bading. At mabigat ‘yung emosyon dahil iibig siya sa lalaki.
Naranasan niyang magsuot ng 5-inch heels at stockings, tapos ay inipit niya si ‘Junjun’ dahil ‘pag naka-dress siya ay may bumubukol, so kailangang niyang mag-tuck.
Bale guest role lang si Jason sa “Asawa Ko, Karibal Ko” dahil magiging si Thea Tolentino ang karakter niya. Kaya gagayahin daw ni Thea ang nuances niya.
Si Rayver Cruz ang pag-aagawan dito nina Kris at Thea. Biro ni Rayver, hindi sila mag-aabot ni Jason dahil pagpasok niya sa eksena ay si Thea na ito.
Nanghinayang daw si Ray na wala silang sweet scenes ni Jason, so nainggit siya sa mga eksena nito with Matthias Rhoads.
Matagal nang kaibigan ni Rayver si Jason noon pang pareho silang nasa kabilang network.
Ani Rayver, kung siya ang kaeksena ng nakababaeng si Jason ay game siyang makipag-kissing scene dito.
“Kahit po hindi ako nakababae, hinahalikan ako niyan!” natatawang hirit ni Jason about Rayver.
“Kung si Jason? Hindi ako magdadalawang-isip. Sobrang sweet namin ni Jason, kulang na lang mag-kiss talaga kami.
“So, kung mangyari man sa eksena, ‘Bro, ‘di ba? Mas madali!’ Close eyes na lang! Ha! Ha! Ha!” tawa ng bagong Kapuso hunk.
Si Thea ay first time gaganap na transwoman at honored daw siya na sa kanya nabigay ang kakaibang role na ito.
Si Kris ay naiyak sa tuwa dahil ang gaganda ng konsepto ng shows na binibigay sa kanya. Sanay raw siya sa drama, pero nahirapan siya rito dahil ang asawa niya ay may itinatagong pagkatao.
Mamayang hapon na ang simula ng “Asawa Ko, Karibal Ko” sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng “Eat Bulaga”.