Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Regine bubuwelta sa halalan 2022

0 608

NI: ROLDAN CASTRO

May panawagan ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na ngayon pa lang ay maging matalino sa susunod na halalan.

“Sa susunod pong eleksyon nasa atin ang KAPANGYARIHAN ihalal ang mga nararapat na taong TOTOONG maglilingkod sa taong bayan. #IbalikAngABSCBN #KapamilyaForever.”

Kim Idol kritikal

Nadagdagan ang kalungkutan ng mga stand-up comedian dahil nasa kritikal na kundisyon ni Kim Idol. Nagkaroon umano siya ng brain arteriovenous malformation (AVM)

Ayon sa post na nabasa namin ay naputukan daw ito ng ugat. Natagpuan siyang walang malay sa Philippine Arena. Rumaket siya bilang marshal sa Bureau of Quarantine sa nasabing lugar .

Ang mga kasamahan niya sa trabaho ay todo dasal . Nag-post din sila ng laban Kim Idol.

Related Posts

Post ni Ate Gay: “Kim Idol, bakla ka! May Iceland pa tayo sa September kaya gumising ka na.”

Markus dumipensa kay Salvador

Hinala ng marami depensa ni Markus Paterson ang kanyang tweet para sa kanyang rumored girlfriend na si Janella Salvador.

May kinalaman ito sa isyu sa PA ni Janella na naniningil ng P3,600 na sahod para sa 12 days na serbisyo.

“It doesn’t matter how much money you have, if you’re smart, the money you spend should be worth it. Let’s say for example, if a company hires an employee and that employee doesn’t work or do his/her job, siyempre mawawalan siya ng trabaho,” post niya.

Paliwanag pa niya, “If that employee was fired halfway through the month, does that employee have the right to ask for his/her suweldo for the full month?”

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.