Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Regine ‘di nagsisi na lumipat sa ABS-CBN

0 123

Diretsong sinabi ni Regine Velasquez na walang-walang pagsisisi sa kanya sa paglipat niya sa ABS-CBN.

“Not at all. Kapag nga tinatanong ako, ‘do you regret it?’ I don’t. I will never regret anything,” pahayag ng Asia’s Songbird sa kanyang panayam with G3 San Diego sa #LiveWithG3.

“It was my decision to go back to ABS, because I wanted to experience something else, something new. I wanted to work with the people that I used to work with before but was not able to anymore because of the whole GMA-ABS thing. I just wanted to experience that,” dagdag ni Regine.

As we all know ay kalilipat lang ni Regine sa ABS-CBN. She transferred in 2018 at heto nga’t bigla namang nangyari this year ang hindi inaasahang pagsasara ng network.

Pero sobrang thankful siya na nagawa niya sa ABS-CBN ang na-miss niya noong gawin which is singing.

“Before the pandemic, I was able to experience it naman, eh. Ang dami kong nagawa before, hindi na nga nabigay ‘yung renewal ng ABS, marami naman akong nagawa. Also, in a way parang nabuhayan ako ulit kasi, first of all, I was singing, parang na-maximize ulit ang pagiging singer ko because I was doing ‘ASAP’ every single week. Like in one show, I would sometimes have three numbers. So, that’s a lot. And I was so looking forward to performing every Sunday,” aniya.

Sobrang nag-enjoy raw siya doing ASAP at kahit ngayong wala na sila sa free TV ay nage-enjoy pa rin naman daw siya since may ASAP pa naman na napapanood ngayon sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live.

“When I came back to ABS-CBN, I was given ‘ASAP.’ I became part of this whole family na in the beginning I thought I would have a hard time but then they just welcomed me with open arms. Everybody just welcomed me and I had a wonderful time.

“I am still having a wonderful time even though wala na kami sa free TV. But whenever we see each other and kapag magte-taping kami or magla-live kami, we are just so happy to be back on stage and to be able to sing to each other. It’s a wonderful feeling,” sey ni Songbird.

Leave A Reply

Your email address will not be published.