Abante Tonite Interactive

Regine hindi nagpaalam

0 2,794

tonite-imo-vinia-vivar
Walang kaalam-alam si Andre Paras sa tsismis na lilisanin na ni Asia’s Songbird ang GMA-7 at lilipat na sa ABS-CBN gayung magkasama sila sa katatapos lamang na reality competition na The Clash.

Tinanong si Andre ng press sa presscon ng Pamil­ya Roces kung saan ay parte siya ng cast kung nagpaalam ba sa kanya si Regine sa pag-alis nito at balik-tanong niya “Umalis ba si Miss Regine?”
Mukhang gulat na gulat nga ang young actor at paulit-ulit ang tanong niya. Sey nga namin, baka naman nagkukunyari lang siyang hindi niya alam.
“Hindi ko po alam,” sambit pa niya.

“Hindi naman nagpaalam,” dagdag pa niya.

“Hindi, pramis.”

Wala siyang naririnig talaga na isyung lilipat na si Regine?

“Wala talaga, pramis. Never siyang nagpaalam. Okay kami, eh. I mean, may Viber group kami, ‘yung last message niya was kinongratulate niya ka­ming lahat, mga staff, tapos kumain pa kami sa isang restaurant, we treated the Clashers, wala, walang goodbye,” paliwanag pa ni Andre.

Anyway, natanong din ang aktor sa kanyang lovelife at aniya ay wala raw dahil nga maraming­ work kaya focus daw muna siya sa trabaho lalo pa nga’t sunod-sunod ang project niya sa GMA-7.

Diego happy sa annulment nina Sunshine-Cesar

Sa individual inter­view kay Diego Loyzaga ay tinanong kung hindi siya talaga na-offend na maging cast ng “Bastardo”.

I accept who I am, tanggap ko ang sarili ko. And hindi ko na kailangang patunayan kahit kanino na. . .

“Look, I’m an actor, I’m acting, this is the role that has been given to me, hindi nakakabastos ‘yung pamagat ng palabas. It’s not like they made the role trough my life, hindi naman. Lahat kaming lima, bastardo rito, and being a bastard itself, ikahihiya mo ba ‘yun? Hindi naman.

“Ang mga bastardo, may nagmamahal sa kanila, so there’s nothing wrong with it at all,” saad pa ng young actor.

As we all know, si Die­go ay anak ni Cesar Montano kay Teresa Loyzaga kaya nahi­ngan din ng reaksyon ang young actor tungkol sa recent annulment ng ama niya sa asawa nitong si Sunshine Cruz.

“You know what, actually, hindi ko alam. Ang alam ko lang, si tita Shine, I heard about it from my mom, coz friends sila ni tita Shine and tita Shine threw a get together ng mga close friends na hindi ako nakapunta because of work.

“I’m so happy for tita Shine, that’s all I have to say about that. I’m happy for my tita Shine that she is happy,” he said.

Aside from Die­go, bida rin sa Los Bastardos sina Jake Cuenca, Marco Gu­mabao, Albie Casino at Joshua Colet. Also in the cast are Ronaldo Valdez, Marijoy Apostol, Mica Javier, Jane Oineza, Maxine Medina, Ritz Azul, Kylie Versoza at marami pang iba.