Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Regine iniyakan ang naudlot na concert

0 134

Aminado si Asia’s Songbird Regine Velasquez na iniyakan niya ang pagkaka-postpone ng kanyang first digital Valentine concert na gaganapin sana ngayong Feb. 14.

Matapos ang announcement ng ABS-CBN kahapon na postponed muna ang concert dahil nga sa na-expose si Songbird sa isang COVID-19 positive at kailangan munang mag-quarantine, sunod-sunod ang kanyang tweets para ipahayag ang nararamdaman.

In one of her tweets ay sinabi nga niya na namamaga na ang mukha niya sa kaiiyak.

“Sayang yung date natin no. I was sooooo looking forward to it pa naman. But don’t worry I’m ok. Maga lang face ko coz I’ve been crying but like I said GOD has a plan and His plans are always better. Stay safe guys,” tweet ni Regine.

“Parang nakaka relate ako kay Eydie Waw maga ako manas ako!!! Hindi ako kumain ng salty chips umiyak lang,” isa pa niyang tweet.

Bago ito ay handang-handa na si Regine sana sa kanyang concert at ang huling tweet nga niya bago nakasenla ay nagpa-manicure na raw siya.

“My nails are ready for the concert. Mabuti pa kuku ko ready na Kayo ba may tickets na??” tweet niya last Feb. 8.

Pinalakas naman ang loob niya ng kanyang mga fan and supporters at nangakong hihintayin nila ang concert.
Narito ang ilan sa mga tweets ng kanyang mga tagahanga.

“Kahit gaano ka tagal pa yannn makakapagintay kami ate basta para sa safety mo Mahal na mahal ka namin kahit ano pa mangyariiii God bless you ateee andito lang kamiii stay safeee we love you.”

“Ate umiiyak din naman ako kasi sa Feb 14 naka schedule talaga na manood ako ng concert I was a little disappointed, pero huwag kang magalala I will wait para makita Kita pagaling ka muna ate reg loveyou.”

SM food to go Banner Ad

“Mas mahalaga samin ate na okay ka, kayong lahat. Makaka antay naman po kami. Adiks pa ba? Kahit anong araw naman po pwede tayo mag date. We’ll pray you po. Love you!”

KC ready na sa bakuna ng COVID

Mukhang looking forward na si KC Concepcion sa pagdating ng COVID-19 vaccine sa Pinas na ayon nga sa balita ay parating na ngayong mid-February.

Ayon kay KC sa kanyang latest Instagram post, pinag-aaralan na nga raw niya ang iba’t ibang COVID-19 vaccine.

“Me trying to learn about every vaccine available out there- and trying not to look stressed 😂 Have you guys spoken to your doctors about this?” sey ni KC.

Wish ng panganay na anak ni Sharon Cuneta na sana raw ay ibigay sa mamamayan natin ng libre ang COVID-19 vaccine.

“I’m also hoping vaccines will be offered for free to all Filipino citizens, like they are in other countries, if they are safe, handled well, and more than 90% effective…💉

“Ang dami kasing misinformation or conspiracy theories, pero ang dami din naman solid na science behind the facts to all our questions. Lots to learn,” saad pa ni KC.

Nakakatuwa naman na sa comments section ay may mga netizen na nabakunahan na mula sa iba’t ibang bansa at ibinahagi nila ang kanilang experience na siyempre ay makapagbibigay kaalaman din sa atin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.