Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Regine, Iza, Jane nawala ang bisa ni ‘Darna’; Piolo ‘di kinaya ng power

0 238

NI: Archie Liao

Sina Angel Locsin, Regine Velasquez , Jane de Leon, Iza Calzado at Sharon Cuneta ang ilan sa mga personalidad na gumanap sa iconic superheroine role na “Darna” . Ito ay nilikha ng pamosong nobelistang si Mars Ravelo.

Sila rin ang mga vocal na mga Kakampink na suportado ang kandidatura ni VP Leni Robredo sa pagkapangulo.

Sa pagkalamang ni dating senador Bongbong Marcos sa presidential race, hindi maiaalis na intrigahin ang drawing power ng mga ito para makaengganyo ng boto.

SM food to go Banner Ad

Sey pa ng ilang nagmamahadera, nawala na raw ang bertud o magic ng limang Darna.

Kahit si Piolo Pascual na very vocal na Kakampink ay sinasabihan din ngayon na umano’y di kinaya power niya para makumbinsi ang mga fan na iboto ang ‘manok’ niya.

Tila hindi rin daw garantiya ang star power para makaimpluwensya ng boto lalo na’t popular opinion ng masa ang mananaig.

Leave A Reply

Your email address will not be published.