Abante Tonite Interactive

Regine kapiranggot ang chance na manalong best actress

0 174

Kasama ni Regine Velasquez ang mister niyang si Ogie Alcasid sa Ayala Mall Manila Bay. Ginanap doon ang opening night ng 15th Cinema One Originals.

Pinanood ng mag-asawa ang opening film na “Lighthouse”.

First time ni Regine na magkaroon ng entry sa Cinema One Originals titled “Yours Truly, Shirley” na isang love story. Kaya dumalo siya sa opening night to feel the excitement.

Suportado ni Ogie ang kanyang misis dahil sinuportahan naman daw siya nito at ang kanyang Cinemalaya entry na “Kuya Wes”.

Ayaw naman daw niya sabihin kay Regine na dapat magwagi rin ito ng acting award for her movie. “Ayoko ko naman siyang i-pressure,” sabi ni Ogie.

Isa pa, light drama ang movie ni Regine at baka less ang chance niya na magwagi ng award.

Pero siyempre, dadalo si Ogie sa gala ng “Yours Truly, Shirley” to support his wife.

May nagbiro kay Ogie kung ano ang kanyang pakiramdam na magwagi ng Best Actor award sa isang festival.

“Wala naman. Ganito pa rin naman ako. Wala naman akong ipinagbago. Ang nagustuhan ko sa pagsali ng ‘Kuya Wes’ sa festival ay ‘yung nabigyan tayo ng chance na ipanood ang pelikula natin sa mga foreigners. Hindi man nila maintindihan ang dayalog pero nararamdaman naman nila ang emosyon sa screen,” sabi pa ng mister ni Regine.

Quiboloy nagpatutsada kay Vice, ‘It’s Showtime’

Tinanggap daw ni Pastor Apollo Quiboloy ang hamon ni Vice Ganda na ipatigil ang show ni Coco Martin na “Ang Probinsyano” at ang traffic sa EDSA.

Ang sagot ni Pastor Quiboloy, matagal na raw naka-stop ang traffic sa EDSA. Ang dapat daw na maging hamon ni Vice Ganda eh mapabilis ang daloy ng trapik sa EDSA.

May punto nga naman si Pastor. Naka-stop nga naman ang traffic sa EDSA at halos ‘di kumikilos.

Tinanong din ni Quiboloy kung kailan gusto ni Vice mahinto ang “Ang Probinsyano”. Aba, kung hindi bibigyan ng bagong franchise ang ABS-CBN, matitigil nga ang show ni Coco.

Ginawa ni Quiboloy ang paghamon kay Vice sa programang “Spotlight” sa Sonshine Media Network International bilang sagot sa patutsada sa kanya ng TV host.

At bilang patutsada kay Vice, binanggit din ni Quiboloy na mahal niya ang “Eat Bulaga”, katapat na noontime show ng “It’s Showtime” ni Vice Ganda. Marami raw kapupulutang magandang aral sa “EB” kumpara sa “Showtime” na hinihiya at ginagawang katatawanan ang ibang tao.

May sagot kaya si Vice sa bagong patutsada ni Pastor Quiboloy?

Janno ‘di sumipot sa concert

Grabe ang negative publicity na ibinunga ng pagwo-walkout ni Morissette Amon sa concert ni Kiel Alo sa Music Museum.

Siyempre, hindi nagustuhan ni Jobert Sucaldito, manager ni Kiel, ang pag-alis ni Mori bago siya maisalang as guest. Nawala daw sa poise si Mori after siya ma-interview ni Mario Dumaual ng “TV Patrol” at tinanong ang singer about her boyfriend at ang problema sa kanyang ama.

Kung ano man ang matinding dahilan why Mori staged that walkout ay ang singer lamang ang makapagbibigay nang malinaw na sagot.

Naiintindihan ng diva that you love kung nagalit man si Jobert dahil napahiya sa mga taong bumili ng ticket para mapanood si Mori to do a duet with Kiel, na ang concert ay celebration for his birthday.

Ang isa pang hindi ma-gets ng diva that you love ay ang hindi rin pagdating ni Janno Gibbs who is also one of the guests.

Wala na ngang career na matatawag si Janno so we are surprised bakit ‘di niya sinipot ang guesting niya.

Sino pa ang magbibigay sa kanya ng singing engagement kung ‘di naman siya darating?