Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Regine, Lea, Gerald sabik na sa live concert

0 87

RODEL FERNANDO: Masasabi ngang malaking tagumpay ang katatapos lang na 12th Star Awards for Music. Sa hanay palang kasi ng mga nanalo ay nakakalula na ang mga bigating pangalan ng mga OPM artist. Nariyan sina Regine Velasquez, Lea Salonga, Sarah Geronimo, Kuh Ledesma, Daniel Padilla, Moira dela Torre, Louie Ocampo, Ben&Ben, December Avenue, KZ Tandingan at marami pang iba.

Sa kanila ngang acceptance speech ay mararamdaman mo ang pagpapahalaga nila sa musikang sariling atin. Tulad na lamang nitong si Regine na sinabing sana raw ay makabalik na ang live events. Of course, hindi lang kasi nami-miss niya ang magperform physically kundi naroon pa rin ang kagustuhan niya na makapagbigay ng saya at ligaya sa mga tao.

Ang Pop Diva naman na si Kuh Ledesma ay sobrang inialay niya sa kanyang mga tagahanga at tagasuporta ang kanyang lifetime achievement award. Naging emosyonal siya sa pagsasabing hindi siya iniwan ng mga ito sa mahabang panahon.

Bukod kina Kuh at Regine, maganda rin ang mensahe ng Levi Celerio Lifetime Achievement Awardee na si Louie Ocampo. Aniya, magsisilbing inspirasyon ang kanyang award para lumikha pa ng mga magagandang awitin. Tumatak din ang sinabi niya na sobra siyang maligaya na hindi siya nakakalimutan. Ibig sabihin, naaalala pa siya lalo na sa kaniyang mga ginagawa at kontribusyon sa Philippine Music.

Memorable din ang mensahe ni KZ Tandingan. Sa kabila raw kasi ng pandemyang pinagdadaanan natin ay nagagawa pa ng PMPC na magbigay parangal sa mga katulad niyang OPM artist. Kung iintindihan mo nga ang kanyang acceptance speech ay gusto niyang ipagsigawan na napakaganda ang ginagawang ito ng The Philippine Movie Press Club, Inc.

MILDRED A. BACUD: Ang saya- saya rin ng Broadway Star na si Lea Salonga na tumangap ng Concert of the Year award para sa kanyang concert na Perfect Ten. Una niyang pinasalamatan ang kapatid na direktor na si Gerald at mga naging special guests sa nasabing concert.

” We all had the best time. I am hoping that we get to go back performing live. It’s one of the last concerts before Covid-19 slammed us here in the Philippines and all over the world. It felt miserable to be able not to do what we love to do. “

Hopeful daw si Lea na ang mga musicians ay makakabalik sa pagtutugtog at ang mga singers ay makakasampa muli sa stage . Of course, ang mga manonood ay mag-eenjoy muli sa panonood ng live concerts.

Napansin ko lang mga ka-Cuatros halos lahat ng mga speech ng mga nanalo ay emosyonal at may mga hugot. Nakakaiyak naman talaga ang situwasyon ng entertainment industry na siyang naapektuhan talaga ng pandemya. But we are very proud as officers and members of PMPC na nasa likod ng tagumpay ng 12th PMPC Star Awards for Music dahil nairaos pa rin natin ito sa kabila ng hanggang ngayon ay may pandemya pa rin.

SM food to go Banner Ad

ROLDAN CASTRO: Kahit si Gerald Santos na tumanggap ng Plaque of Appreciation sa Star Awards ay humihirit din sa live concert. Nagdadasal din siya na matapos na ang pandemyang pinagdadaanan natin.

“Sobrang nakaka-miss na po ang live events, basta alam ko malapit na tayo magkasamang muli sa mga shows at events,” aniya.

Actually, ramdam ni Gerald ang hirap na mag-live sa mga palabas dahil grabe rin ang pinagdaanan ng pinagbibidahan niyang musical play niya ‘I WILL : The Musical’ .

Finally, mapapanood na natin ito sa Sabado . Mag-stream sa KTX.ph sa October 16. Ang naturang play ay base sa buhay ni Dr. Willie Ong.

ROMMEL PLACENTE: Bukod sa pagiging host, ay binigyan din ng award si Cong. Alfred Vargas sa 12th PMPC Star Awards For Music.

Sa kanyang acceptance speech, sinabi ni Alfred na noon pa raw ay pangarap niya nang makapag-host ng Star Awards. At natutuwa siya na natupad ang pangarap niyang ‘yun.

Sabi ni Cong. Alfred,”Thank you Philippine Movie Press Club for this plaque of appreciation. Alam ninyo bata pa lang ako, meron ng Star Awards. Institusyon na talaga ang Star Awards, ganundin ang PMPC. Kasama ‘yan sa mga pangarap ko, ‘yung makapag-host ng kahit isang Star Awards. And natupad po ‘yun because of you (PMPC). Thank you very much for thinking of me and for giving me that priviledge. And maraming-naraming salamat. Stay safe and healthy always. Isa po itong karangalan. “

Isa rin si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa binigyan ng special award sa larangan ng public service.

Sabi ni Yorme Isko,”Sa lahat ng bumubuo ng PMPC, thank you! Dati, nananalo lang akong Best Dressed, puro Star of the Night. ‘Yun ang pinakamarami kong award noong araw. But anyway, sa lahat ng mga kasamahan ko sa showbiz industry, huwag kayong mawawalan ng pag-asa. We will invest (sa showbiz industry) someday. Para naman makilala ang Philippine showbiz sa buong mundo, ang artistry ng kapwa natin artista. Baka magkaroon ng BTS ang Pilipinas. Malay ninyo? Marami namang guwapong Pilipino. Marami namang magagandang Pilipina, at talented. But again, sa Philippine Movie Press Club, thank you! I really appreciate it!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.