Abante Tonite Interactive

Regine magsasangla para kay Erik

By
8,465

Punung-puno ang SM MOA-Arena nu’ng  kamakalawa ng gabi dahil sa

super-successful concert na #paMORE nina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Erik Santos at Regine Velasquez.

          Parang namamalat si Regine nu’ng gabing iyun, pero bongga pa rin naman ang performance nilang apat. Sa duet with Songbird, ang pinakagusto naming portion ni Regine, at ang nakakaaliw na Koreanovela segment nila na kung saan kinanta nila ni Ogie ang theme song ng ‘Goblin’ na ‘Beautiful Life.’ Type na type kasi ni Ogie ang Goblin.

          Pinakagusto namin ang Broadway duet nina Martin at Erik na kung saan doon nag-emote si Erik na hindi raw niya akalaing matupad ang pangarap niyang makasama sa stage ang iniidolo niyang si Martin.

          Bata pa raw siya ay nag-iipon na raw siya ng pambili ng ticket sa concert ni Martin.

          Nasa bleacher sa tuktok lang daw siya nakapuwesto, at okay lang daw sa kanya basta makita lang niyang nagpi-perform si Martin.

          Kaya ang mensahe niya sa audience lalo na yung nasa bleacher, huwag daw mawalan nang pag-asa, basta ipagpatuloy lang ang pangarap, darating ang araw na makakapanood din daw sila sa baba o baka kagaya niyang nakapagsampa na sa stage para mag-perform.

          Sabi naman ni Martin, may karapatan si Erik na ihanay sa kanila, kahit nagpakumbaba pa si Erik na puwede pa rin naman daw maitayo ang concert na iyun na wala siya. ‘MOR’ pa rin naman daw ang basa kahit walang E.

          Pero tumaas nga ng level si Erik dahil sa concert na iyun, at in-announce nilang tatlo na sa September ay magkakaroon daw ng malaking concert si Erik para sa 15thanniversary ng kanyang singing career.

          Biro ni Regine, kahit daw isanla pa niya ang mga diamonds sa suot niyang gown basta maipag-produce lang ng malaking concert si Erik.

          Nabigyan ng magandang highlight si Regine, meron din si Ogie na kung saan kinanta nila ang mga hit songs ng singer/songwriter.

          Si Martin ay binigyan ng standing ovation at masigabong palakpakan bilang pagpupugay sa loob ng 35 years na pagbibigay entertainment at pagtulong sa magagaling concert artists ng bansa. Sabi ni Ogie, siya lang daw ang nag-iisang Concert King ng bansa.

          Binati rin nila ang mga kapwa artists na nanood nu’ng gabing iyun. Kung hindi kami nagkamali, first public appearance ‘yun ni Vice Ganda pagkatapos niyang maospital.

          Nandun din si Jed Madela at si Angeline Quinto na binati ni Erik, kaya kinantiyawan silang dalawa.

          Sabi ni Regine, “Ako lang pala ang GMA 7 dito.”

          Inakbayan siya ni Erik at sinabihang, huwag itong mag-aalala.

          “Ay okay naman ako!” mabilis na sagot ni Songbird.

          “Malaki ang bayad ko. Malaki ang suweldo ko roon,” sabi pa ni Regine.

          Dahil sa magandang feedback at super successful na #paMORE concert, mukhang magkaka-repeat at magkakaroon ng series of shows sa ibang bansa. Ito na nga raw ang inaayos ng Star Media Entertainment ni Ms. Anna Puno.