Abante Tonite Interactive

Regine mas bet maging Presidente kesa kina Pacman, Sara

623

Marami ang nag-react sa tweet ni DFA Secretary Teddy Locsin Jr., “I am not going down in history as a clam defender, okay? It’s a complaint; we’re looking into it; but these are just f**king food; no one goes to war for clams (maybe Oysters of Locquemariaquer) but they just happen to be OUR food. They should pay for them like in fish market.”

 

 

Ang tingin niya sa pagnanakaw at pangangamkam sa taklobo natin ay “pagkain” lamang at walang ginawang kahit na anong “pagnanakaw” at “kawalanghiyaan” ang mga gumawa nito.

 


Kaya nga, ang comment ni Regine Velasquez, palakpakan na may kasamang sigawan ang tinanggap. Ang pahayag ni Ate Chona: “Ang akala ko pa naman matalino ka. Ako ay simpleng tao lamang na may simpleng pag-iisip. These people are invading our territory. They are not just taking food. Sinisira nila ang ating karagatan!”

 


Operative words ang “ating karagatan!” Hindi madaling alagaan at buhayin ang mga taklobo, they bring balance to the sea’s system tapos meron tayong kalihim pa man din na “minamaliit” ang kanilang kahalagahan na para bang ‘pag inilubog siya sa dagat eh kaya niyang muling ibalik sa buhay ang mga ito.

 


Dahil sa pangmalakasang pahayag na ito ni Mrs. Alcasid, ang sangkabekihan may panawagan na “Songbird for President! Regine 2022!”
Kesa naman si Manny Pacquiao o si Inday Sara Duterte, mas gugustuhin ko pang iboto ang tulad ni Regine na may tunay na paninindigan at kahit “simpleng tao” lamang, alam kung ano ang tama, kung ano ang mali, at kung kailan dapat magsalita.

 


Hindi lang ang karagatan natin ang binababoy at binabalahura ng mananakop na hinahayaan na lamang.

 


Salamat at may Regine Velasquez na inilagay sa tamang perspektibo ang usapin. Hindi lang ito pagkain. Karagatan na natin ang ninanakawan. Kailangan na nating mag-ingay. Magkaisa. Kumilos para sa Pilipinas nating mahal.



Gwen, David naghubad sa IG

Iba ring magpayanig si Gwen Zamora, huh! Matapos maging “legitimate actress” dahil sa kanyang mahusay at madamdaming pagganap bilang Remedios Nable Jose sa “Goyo, Ang Batang Heneral,” balik na naman siya sa kanyang oh-so-starlet ways matapos niyang ibalandra ang kanyang larawan kasama ang kasintahang si David Semerad sa Instagram.

 


Ang kanilang posing, alam mong kapwa sila hubo’t hubad at tanging puting tuwalya lamang ang pinantatabing sa kanilang mga katawan.

 


Si Semerad, ipinakita ang kanyang katawang sangrekwa ang tattoo, at ang tuwalya ay pinantabing sa kanyang pagkalalaki.

 


Si Zamora naman, itsurang bold nymphet circa 70’s dahil, ang kanyang mga suso, halos kalahati nito ay kitang-kita na, parang malapit na sa kanyang utong ang placement ng puting tuwalyang tumatakip sa kahubdan niya.

 


Ito namang si David, pinagmaramot mo pa ang kapirasong laman na nakalawit, huh! Best in buyangyang na nga ang maganda mong katawan, ano ba naman ‘yung itinodo mo na para malaman naming lahat kung cocktail, regular, jumbo o king size ang iyong palo-palo in its flaccid state.

 


Eh ang katawan ni Gwen, ang mga diwata at sirena, wala naman masyadong interes sa body beautiful niya, huh! Ewan ko lang sa mga tunay na barako. May chance na hindi sila satisfied sa pa-tease ni Zamora. Eh ang mga bisexual? Siyempre pa, sa katawan rin sila ni David nagnanasa, noh! Walang totoong bisexual sa Pilipinas, huh. Bi-yot na rin sila, huh! Charot! Hahahahaha!