Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Regine menopause na

0 111

Aminado si Asia’s Songbird Regine Velasquez na nagme-menopause na siya ngayon na understandable bilang 51 years old na rin siya. Actually, medyo late na nga.

Ibinahagi ni Songbird sa kanyang Twitter ang pinagdadaanan pero aniya ay hindi naman siya nagko-complain.

“Ah menopause so many things happening to you all at the same time can’t complain coz no one will understand except maybe another menopausal ahhh wonderful,” ang tweet ni Regine.

Relate naman ang mga fan niyang dumaan na or kasalukuyang dumadaan sa menopausal period pero ang mga younger fans niya, siyempre ay hindi siya magets.

Isang netizen naman ang nag-wish na sana raw, kapag nasa menopausal age na rin siya ay mayroon din siyang asawang kasing-patient at kasing-caring ni Ogie Alcasid.

Andrea, Seth walang pahinga

Walang kaso sa magka-loveteam na sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin kahit halos wala na silang pahinga dahil sa sunod-sunod na trabaho.

Pagkatapos kasi nilang gawin ang ‘Huwag Kang Mangamba’ ay nagsimula na silang mag-taping agad ng bagong serye, ang Saying Goodbye na mapapanood na ngayong Disyembre sa IQIYI.

May pagbibidahan din silang musical series na ipalalabas naman sa 2022, ang Lyric ang Beat.

Kaya naman wala na halos time magpahinga ang dalawa dahil pagkatapos ng isang project ay may panibago agad silang gagawin.

Sa nakaraang episode ng online show na We Rise Together, natanong nga ang SethDrea kung paano ang paga-adjust na ginagawa nila sa magkakasunod na trabaho.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Seth, “Mahirap isipin na ‘yung nga, sunod-sunod, walang pahinga, pero kapag gusto mo ang ginagawa mo, hindi mo maiisip ‘yun, eh.

“Kapag gusto mo ang ginagawa mo, pag gigil ka na magawa ang isang bagay, kahit ano pa ‘yan, kahit saan ka dalhin, kahit sabihin nating araw-araw ka magtrabaho, ‘pag gusto mo talaga, eh hindi mo maiisip yon.

“At ‘yun ako, ‘yun ang mindset ko kasi. Buti nga, eh, walang pahinga kaysa naman may pahinga, di ba? Okay na ‘yung walang pahinga kaysa naman nagpapahinga ka, nakaupo ka lang,” aniya.

Same with Andrea. Aniya, mas gusto raw niya ang napapagod kaysa nagpapahinga. Although tao lang din naman daw siya na talagang napapagod din.

“Ako kasi sinabi ko talaga kay Ma’am Cory (Vidanes), kilala rin naman nila talaga ako, sinasabi ko na ‘okay lang na pagurin niyo ako. Mas gusto ko na napapagod ako kaysa sa nagpapahinga ako.

“Saka totoo rin naman, kasi ‘pag gusto mo ang isang bagay, kahit mukhang nakakapagod siya. . .kasi mukha naman talagang nakakapagod. Totoo naman din at inaamin ko, physically napapagod din ang katawan ko, kasi tao lang din naman ‘yung katawan ko, pero ‘yung fighting spirit ko nandiyan pa rin. Kapag gusto mo kasi ang isang bagay kahit gaano kabigat ‘yan ang gaan-gaan para sa iyo na gawin,” sey ni Andrea.

Bukod nga sa love niya ang kanyangwork ay iniisip din niya ang mga bills na dapat niyang bayaran at isa rin ‘yun sa nakakapagpa-motivate sa kanya to really work hard.

“Kaya talagang gigil din ako, sige go, go! Kasi ang dami ko pang gustong bilhin. Gusto ko pang bilhin ‘to, gusto ko pang bilhin ‘yan. So, tara! Work, dali!” ani Andrea.

“Hanggang sa kakayanin ng katawan ko, game na game ako,” dagdag pa niya.

Ang trabaho rin daw ang nagsisilbing solusyon at gamot kapag may mga problema or pinagdadanaan siya.

“Mas lumalala ang anxiety ko kapag walang trabaho kasi nakatulala lang ako sa bahay,” sambit pa ni Andrea.

Leave A Reply

Your email address will not be published.