Abante Tonite Interactive

Regine nahihirapan nang bumirit

By
3,030

UMAMING nahihirapan na sa pagkanta ang tinaguriang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

Hindi na bago ang pag-amin na ito ni Regine. May mga viral videos kasi ang singer-actress-host ng mga song number niya sa mga concerts at shows na ginawa niya na medyo sablay ang ‘kinis’ ng kanyang pagkanta.

Isa na nga rito ay ang nakaraang V-day concert niya sa MOA Arena, ang “#PaMORE” na kinabibilangan din nina Martin Nievera, Ogie Alcasid at Erik Santos.

Abante Hiring – IT dep

Mapapanood sa video na bumibirit si Regine ng awi­ting “Never Enough” at maririnig ang pagbasag ng kanyang boses sa mga high note.

Makikita rin ang struggle sa mukha at galaw nitong maabot ang mga high note.

Sa kanyang Instagram wall, nag-post si Regine ng wide shot ng concert niya sa Arena kung saan makikitang parang napapaligiran ng mga fireflies ang buong venue.

Sa caption ng la­rawan, inamin ni Regine ang hirap na pinagdaanan niya sa pagkanta. Diretsahang sinabi nito na wala sa kundisyon ang kanyang tinig.

@reginevelasquez, “Out of all my concerts this concert is one of the most memorable one well aside from silver. My voice was not in its top condition I wa struggling most of my songs. But because I struggle so much now whenever I sing it made me love singing even more. Sure I get frustrated and at time nahihiya ako kasi you guys deserve so much more than what I am able to give.

“So, I just want to say thank you again e­verybody who watched #R3.0 Thank you for being with me through all my struggles and most of all thank you for being with me for the past 30 years. I hope you watch the part 2 next Sunday..”

Bagama’t, kapansin-pansin ang malaking pagbabago sa kakayahan niyang bumirit, marami pa rin ang naniniwala, sumusuporta at nagmamahal sa kanya.

Ang naitalang marka ni Regine sa showbiz at sa kanyang mga taga­hanga ay hindi puwedeng talikuran dahil lang sa hirap na abutin ang high notes.

Ang daming nabigyan ng inspirasyon ni Regine. HIndi lang ang mga baguhang birit singer, kundi pati na rin ang mga baklang nagkaroon ng karera sa sing-along bars at sa live entertainment industry.