Abante Tonite Interactive

Regine nakatikim ng discrimination sa LV store

532

Nakakatuwa ang bagong vlang video ni Regine Velasquez na ipinost niya sa kanyang YouTube vlog. Ikinuwento niyang na-discriminate raw siya sa isang Louis Vuitton store sa New York, way, way back.

Kuwento ni Asia’s Songbird, may gusto raw siyang bilhin na LV shoes kaya pumasok siya sa store nang nasa NY siya. Pero hindi raw siya pinapasok.

“Sa umpisa pa lang, sinabi agad sa akin, wala akong size. Sabeeh?” kuwento ni Regine.

“Sabi ko, ‘can I at least, try them all?’ Sabi ng guy, ‘no.’ Sabe talaga! Gano’n! Na-discriminate agad ang lola n’yo. So, na-depress ako nang very very light,” patuloy ni Songbird.

Kaya dahil sa ka-depress-an niya, nagpunta raw siya sa katapat na store na puro branded shoes din na ang ibinebenta at nagwala raw siya ro’n.

“Ang ending ko, ang inuwi ko ay 20 pairs of shoes. Kasi na-depress ako,” sey niya.

Bale ba ay na-discriminate rin daw siya at first sa store na ‘yun dahil walang pumapansin sa kanya pero ‘yung ibang customers ay ina-assist. Until may lumapit daw na guy sa kanya at tinanong if she needed help.

“So, lahat ng itinuro ko, binili ko talaga. So, ang happy niya. Super happy siya. Samantalang ‘yung mga bwisit na ibang nandu’n, nagtitinginan sila kasi ‘yung mga nagsusukat do’n, wala namang binili, teh,” aniya.

At hindi pa du’n natapos ang kuwento niya. Nang marami na raw siyang bitbit ay bumalik siya sa LV store at dahil marami siyang bitbit, pinapasok na raw siya sa loob at doon pa lang daw niya nabili ang gusto niyang shoes.

Habang nagkukuwento siya ay hawak-hawak niya ang LV shoes na pinangarap niyang mabili.

Ang nasabing vlang video kasi ay closet tour at makikita ang katakot-takot na collection niya ng shoes and dresses na rin.

Pati ang mga netizen na nanood ng video ay naaliw kay Songbird at puring-puri nila ang pagka-totoo ni Regine na wala raw kaere-ere at walang pretensyon. (Vinia Vivar)